Makaraang mabigong masawata ang sunud-sunod na nakawan ng copper wire at lamp post sa kanyang nasasakupan, sinibak na sa puwesto ni Acting Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Bay PCP commander na si Sr. Insp. Arnold Ibay.
Inihayag ni Moreno ang usapin kay MPD director Chief Supt. Roberto Rosales kung saan sinabi nito ang pagre-relieve sa puwesto ni Ibay.
Una nang inirekomenda ni Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas ang pagsibak kay Ibay sa puwesto bunsod na rin ng kapabayaan nito sa kanyang tungkulin. (Doris Franche)