4-anyos na  paslit, patay sa meningo

Isang 4-anyos na ba­tang lalaki ang nasawi sa pinaghihinalaang sakit na meningococcemia ma­ta­pos isugod ito sa Amang Rodriguez Medi­cal Center (ARMC) sa Ma­rikina City kama­kalawa.

Nakilala ang nasawi na  si Richard Aure, resi­dente ng Sitio Maligaya, Brgy. San Isidro, Antipolo City na ayon kay Dr. Ri­cardo Lustre, director ng ARMC na kahit wala nang buhay ng idating sa nasabing ospital ay kanila pa ring tinanggap at na­ka­kitaan ng mga sinto­mas ng nasabing sakit.

Dahil dito ipinag-utos ni Dr. Lustre, na hana­pin ang mga taong huling nakasa­la­muha ng batang biktima upang sumailalim sa qua­rantine at mabig­yan ng pa­ngunahing lunas upang malabanan ang posibleng pagka­hawa sa sakit na iki­na­matay nito. Matapos ang pagsusuri ay agad na isi­nelyo ang bangkay ng bata upang matiyak na hindi kakalat ang virus ng kan­yang sakit sa iba mga pas­yente sa naturang ospital.

Pansamantala ring hindi tumanggap ng pas­yente ang nasabing paga­mutan at wala ring pina­labas na empleyado na nasa loob nito ng isugod ang biktima doon upang matiyak na hindi kakalat kung anumang virus na posibleng makuha sa na­sawing bata.

Binuksan lang ang pa­gamutan dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon makalipas ang 15 oras na quarantine period ng ma­sigurong maayos na ang lahat sa isinagawang pre­ventive measure partikular sa paligid ng emergency room kung saan doon ini­ratay ang nasawing bik­tima. (Edwin Balasa)

Show comments