^

Metro

Bumoga sa city hall exec tugis

-

Isang malawakang man­­hunt operation ang  inutos ni Acting Manila Mayor Isko Moreno sa pamunuan ng Manila Police District kaugnay ng pa­mamaril sa hepe ng personnel department ng Manila City Hall noong na­karaang linggo sa Maynila.

Ayon kay Moreno, ina­tasan niya si  Director Chief Supt. Roberto Ro­sales na hanapin ang responsable sa pama­maril kay Josefino Reoma, 60.

Kasabay nito, nana­wa­gan din si Moreno sa mga may impormasyon sa insidente upang ma­bigyan ng  hustisya ang sinapit ni Reoma. Handa naman umano ang city government na magbigay ng  pa­buya sa sinumang mag­bibigay ng A-1 information tungkol sa gunman at kinaroroonan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sinabi pa ni Moreno na ikinagulat niya ang nang­yari kay Reoma dahil simpleng tao  lamang ito at mahirap isipin na may­roong kaaway.

Idiniin pa ni Moreno na kailangan na lumitaw ang motibo ng pamamaslang  dahil kung work related umano ang  motibo, dapat na matanggal sa city hall ang mga may dugong kriminal.

Hanggang sa ngayon ay nasa ICU pa rin ng  UST hospital si Reoma matapos na magtamo ng tama ng  baril sa mukha.

Agad  ding nagpadala ng dalawang pulis si secretary to the mayor Ra­faelito Garayblas at Manila City Hall Police Office chief Col. Alex Gutierrez upang bantayan si Reoma.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na  sakay si Reoma ng taxi. Habang nakahinto  sa panulukan ng   España Boulevard at Cayco St., isang motor­siklo ang huminto sa  tabi nito at pinaputukan si Reoma at saka tumakas.

Idinagdag pa ni Mo­reno na wala naman siyang alam na kaaway ni Reoma. (Doris M. Franche)

CITY

MORENO

REOMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with