^

Metro

Manhunt pinatindi vs itinakas na preso

-

Ginagalugad na ng mga operatiba ng Quezon City Police ang mga hideout na pi­naniniwalaang pinagtata­guan ng presong suspect sa rob­bery homicide na iti­nakas ng walong arma­dong kalalaki­han nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Quezon City Po­lice District (QCPD) Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, iniisa-isa nang su­yu­rin ng QCPD-Station 7 ang hideout ng gang na ki­na­­bibilangan ng tinutugis na presong si Pedro Rodica.

Si Rodica ay itinakas ng walong armadong kalalaki­han na pinaniniwalaang ka­sama­han nito sa sindikato nitong Biyernes ng umaga  matapos harangin ang mobile car ng QCPD na nag-escort dito sa kahabaan ng EDSA under­pass malapit sa Baliuag Bus terminal sa Cubao, Quezon City ha­bang patungo sa Que­zon City Jail.

Sinabi ni Gatdula na may lead na sila kung saan posib­leng itinatago ng kan­yang mga kasamahan sa sindikato si Rodica.

Gayunman, tumanggi ang opisyal na tukuyin ang mga lugar na posibleng pinagta­taguan ni Rodica dahil baka ma­bulilyaso ang kanilang dragnet operations.

Sa tala , nang unang iti­na­kas si Rodica sa mga escort nitong pulis noong Disyembre 2007 ay umabot ang ope­rasyon ng police tracking team  sa lalawigan ng Cavite at Batangas.

Ang nasabing suspect ay nasakote sa lalawigan ng Mindoro kung saan ang mga kasamahan nito sa grupo ay pawang mga da­ting sundalo at pulis na na­dismis sa ser­bisyo.

Magugunita na nitong Biyernes, ilang oras ma­tapos nga itong ma­aresto ay muling itinakas si Ro­dica sa isang mala-peliku­lang rescue kaya agad na iniutos ang manhunt operations laban dito maging sa mga kasamahan nito.

Samantala, kasaluku­yan na ring iniimbestigahan ang tatlong police security escort ni Rodica. (Joy Cantos)

BALIUAG BUS

BIYERNES

CITY

RODICA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with