^

Metro

Estudyante gulpi-sarado dahil sa masamang tingin

-

Dahil lang umano sa ma­samang tingin ay nakaratay ngayon sa pagamutan ang isang 20-anyos na binata makaraang gulpihin siya ng tatlong  lasing na lalaki na kan­yang nakasalubong kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kasalukuyang ginagamot sa Rizal Medical Center sanhi ng tinamong pasa sa mukha at katawan ang biktimang si Melvin Lopez, estudyante, at residente ng Kamagong St. Brgy. Manggahan ng nasa­bing lungsod, habang na­aresto naman ng rumespon­deng mga tanod ang mga suspek na nakilalang sina Mon Galuta 30, Eddie Fulco at Arnel Alder, pawang naka­tira sa Napico St., ng nasabi ring barangay.

Sa ulat ng Pasig police, na­ganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw habang naglalakad ang bik­tima sa kahabaan ng Napico St. pauwi sa kanilang bahay ng makasalubong ang mga suspek na pasuray-suray sa kal­sada dahil sa sobrang ka­lasingan.

Dahil sa kilos ng mga sus­pek ay napatingin ang biktima sa kanila na minasama ng mga ito, sabay lapit at sinuntok sa mukha ang huli.

Tinangka pang manlaban ng biktima subalit kinuyog na siya ng mga suspek at tinigilan lang nang makita itong du­guan na at halos wala nang malay dahil sa tinamong pin­sala sa katawan.

Naabutan naman ang mga papatakas na mga suspek ng mga barangay tanod na tina­wagan ng isang concerned citizen at inaresto ang mga ito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARNEL ALDER

DAHIL

EDDIE FULCO

EDWIN BALASA

KAMAGONG ST. BRGY

NAPICO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with