^

Metro

Preso itinakas ng mga armado

- Danilo Garcia -

Isang dagok sa ka­pa­bilidad ng Quezon City Police District (QCPD) ang natamo nito matapos na mata­ka­san ng isa sa most wanted na kriminal nang harangin ng mga ar­ma­dong lalaki ang isang mobile unit na magda­dala sa suspek sa kulu­ngan kahapon sa Cubao, ng natu­rang lungsod.

Nakilala ang naka­takas na preso na si Pedro Reodica, lider  ng isang robbery gang na ang tinatarget ay  mga sanglaan. Nahaha­rap ito sa kasong robbery ho­micide sa Quezon City Regional Trial Court.

Isinasailalim naman ngayon sa imbesti­gas­yon ang tatlong nataka­ sang gu­war­­diya ni Reodica na sina SPO2 Serafin Castil­lano, PO3 Juanito Feli­pes at PO3 Randy Dan­gaap.

Sa inisyal na ulat ng QCPD-Station 7, naga­nap ang insidente da­kong alas-8 ng umaga sa EDSA makalagpas sa Cubao underpass.  Naba­tid na kagagaling lamang sa PNP Head­quartes sa Camp Crame ng apat sakay ng mobile unit body number QC 1-2 kung saan isinailalim sa medical test si Reo­dica at da­dalhin na sa Quezon City Jail nang harangin ng isang To­yota Revo at Mitsubishi Adventure na kapwa walang plaka.

Parang eksena sa pelikula nang apat sa mga suspek na naka­suot ng bonnet ang agad na lumabas at ti­nutukan ng mahaha­bang baril ang mga pulis na hindi na nakapa­lag. Agad na tina­ngay ng mga suspek at ki­nuha rin ang susi ng mobile unit ng mga pulis bago mabilis na tumakas.

Bigo naman ang QCPD na madakip ang mga suspek sa kabila ng inilunsad na dragnet ope­ration ng mga ito at ipi­nagmamalaking police visibility.

Ipinagtanggol na­man ni QCPD Station 7 chief, Supt. Procopio Lipana ang seguridad na ibinigay nila kay Reodica. Ayon dito, ka­raniwang dalawa la­mang ang talagang bantay ng isang preso kung saan sumobra pa nga sila dahil tatlo ang itinalaga kay Reodica.  Hindi naman umano nila akalain na magi­ging ga­noon katapang ang mga suspek na isagawa ang pagtangay kay Reodica.

Sa tatlong police escort, masusing isi­ na­sailalim sa background check  si SPO2 Castil­lano dahil sa ulat ng po­sibleng pagiging ka­mag-anak nito sa isang ka­samahan sa sindi­kato ni Reodica na isang dating sun­dalo at nakilala la­mang sa apel­yidong Castil­lano.

Nabatid naman na na­dakip si Reodica nitong Abril 15 sa lala­wigan ng Mindoro sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City RTC.  Dati umano itong emple­yado ng isang sanglaan   at nang matanggal sa trabaho ay luminya na sa pang­ho­holdap.

Nabatid rin na dati na itong naka­takas sa Maynila ilang buwan na ang nakaka­raan nang maisahan ang nag-iisang pulis na bantay nito sa isang pampa­saherong jeep.

Samantala, isang man­­hunt operation na ang ipinag-utos ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr., para sa aga­rang ikadarakip ng itina­kas na preso maging ang mga nagta­kas dito. (Dag­dag ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

ISANG

REODICA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with