Dalawamput-dalawang oras na mawawalan ng suplay ng tubig sa mga lugar sa Maynila at Pasay mula alas-12:30 ng hatinggabi hanggang alas-10:30 ng gabi ng Linggo, Abril 27.
Ayon sa Maynilad Waters, ang water interruption ay bunsod ng gagawing repair sa malaking butas ng tubo ng tubig sa kahabaan ng Mabini St. kanto ng Remedios St., Malate, Maynila gayundin ang rehabilitasyon sa loob ng Espiritu Pumping Station sa San Andres, Maynila.
Kabilang sa mga maapektuhan ng pagkawala ng tubig ang mga residenteng nakatira sa may Pandacan Maynila sakop ng Philippine National Railways, Canonigo at Otis; Paco sakop ng Creek, Pedro Gil, PNR at Otis; kahabaan ng Vito Cruz St., Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.; San Francisco St. kahabaan ng MSDR, San Andres St. at Arellano St.; kahabaan ng F. Torres St.; MSDR at Arellano St.; kahabaan ng Estrada St. harap ng MSDR at Taft Ave. Vito Cruz St. MSDR hanggang Roxas Blvd.-CCP Complex.
Habang sa Pasay ay apektado naman ang kahabaan ng Donada St., Leveriza St., F.B. Harrison St., Roxas Blvd. Service Road at kahabaang kalsada mula Vito Cruz hanggang Buendia Ave.; kahabaan ng Taft Ave. at Estrada St. hanggang Buendia Ave.; sakop ng F.B. Harrison St. at Buendia Ave. hanggang Libertad.
Mahina naman ang suplay ng tubig sa may Paco area sakop ng Pedro Gil, Creek at PNR; Malate area sakop ng Pres. Quirino, MSDR, San Andres at Anak Bayan; kahabaan ng Estrada St. partikular ang Leon Guinto at Singalong Sts.; kahabaan ng Vito Cruz St. at Taft Ave. hanggang Roxas Blvd., Manila. (Angie dela Cruz)