^

Metro

22 oras walang tubig sa Maynila, Pasay

-

Dalawamput-dala­wang  oras na mawawa­lan ng suplay  ng tubig sa mga lugar sa Maynila at Pasay mula alas-12:30 ng hatinggabi hang­gang alas-10:30 ng gabi ng Linggo, Abril 27.

Ayon sa Maynilad Waters, ang water interruption ay bunsod ng ga­gawing repair sa mala­king butas ng tubo ng tubig sa kahabaan ng Ma­bini St. kanto ng  Re­medios St., Malate, May­nila gayundin ang  reha­bi­litasyon sa loob ng Espiritu Pumping Station sa San Andres, Maynila.

Kabilang sa mga ma­apektuhan ng pagkawala ng tubig ang mga resi­denteng nakatira sa may Pandacan Maynila sa­kop ng Philippine National Railways, Cano­nigo at Otis; Paco sakop ng Creek, Pedro Gil, PNR at Otis; kahabaan ng Vito Cruz St., Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.; San Francisco St. kaha­baan ng MSDR, San Andres St. at Arellano St.; kahabaan ng F. Torres St.; MSDR at Arellano St.; kahabaan ng Estrada St. harap ng MSDR at Taft Ave. Vito Cruz St. MSDR hang­gang Roxas Blvd.-CCP Complex.

Habang sa Pasay ay apektado naman ang kahabaan ng Donada St., Leveriza St., F.B. Harri­son St., Roxas Blvd. Service Road at kaha­baang kalsada mula Vito Cruz hanggang Buendia Ave.; kahabaan ng Taft Ave. at Estrada St. hang­gang Buendia Ave.; sakop ng F.B. Harrison St. at Buen­dia Ave. hang­gang Libertad.

Mahina naman ang suplay ng tubig sa may  Paco area sakop ng Pedro Gil, Creek at PNR; Malate area sakop ng Pres. Quirino, MSDR, San Andres at Anak Bayan; kahabaan ng Estrada St. partikular ang Leon Guinto at Singa­long Sts.; kaha­baan ng Vito Cruz St. at Taft Ave. hang­gang Roxas Blvd., Manila. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ARELLANO ST.

BUENDIA AVE

ESTRADA ST.

PEDRO GIL

ROXAS BLVD

SHY

TAFT AVE

VITO CRUZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with