^

Metro

Paslit patay sa sunog

-

Isang 4-anyos na batang lalaki ang kum­pirmadong nasawi makaraang maiwa­nan itong natutulog sa kanilang bahay nang sumiklab ang  sunog ng dahil lamang sa natumbang kandila na nagsanhi rin sa pagkatupok  ng may 50 kabahayan kama­kalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Suave Dimaoqor, ng 1211 Bal­ta­zar St. Brgy. Sto. Tomas ng nasabing lung­sod. Sa ulat, sumiklab ang sunog dakong alas-10:17 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng mga Dimaoqor.

Sa ginawang imbestigasyon ni Insp. Anthony Arroyo ng Bureau of Fire and Pro­tection ng Pasig City, inamin ni Adawea Dimaoqor, tiyahin ng nasawing biktima na nag-iwan siya ng dalawang kandila sa kuwarto sa ikalawang palapag kung saan natutulog ang bata.

Makalipas ang ilang sandali ay napan­sin na ng mga kapitbahay na malaki na ang apoy sa nasabing kuwarto ng mga Di­maoqor at punumpuno na rin ng usok ang paligid. Sinikap pang balikan ng mga ka­anak ang bata sa kuwarto subalit patay na ito nang makuha at ayon sa inisyal na im­­bestigasyon ay nasawi dahil sa suffocation.

Mabilis na kumalat ang sunog sa mga katabing kabahayan na umabot ng Task Force Alpha sa kabila ng napakalapit nito sa istasyon ng bumbero. Idineklarang under control ang nasabing sunog dakong alas-11:58 ng gabi at umaabot sa 50 kaba­hayan ang naabo dito habang kasaluku­yan pang inaalam kung magkano ang halagang napinsala sa naganap na sunog. (Edwin Balasa)

ADAWEA DIMAOQOR

ANTHONY ARROYO

BUREAU OF FIRE AND PRO

EDWIN BALASA

PASIG CITY

SHY

ST. BRGY

SUAVE DIMAOQOR

TASK FORCE ALPHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with