^

Metro

Dalaga nagtangkang magpakamatay

-

Matapos mag-away ng kanyang boy­friend, isang 15-anyos na dalagita ang nagtangkang magpatiwakal matapos itong uminom ng lason, kahapon ng umaga sa Navotas City.

Inoobserbahan pa sa Tondo Medical Center ang maselang kalagayan  ng bik­timang si Bernadette Bernabe-de Leon, nakatira sa #15 Monroy St., ng na­bang­git na lungsod.

Ayon sa mga kaanak ng dalagita, na­batid na nag-away ang biktima at ang boyfriend nito na nakilala sa panga­lang Boy. Dakong alas-5:55 ng umaga, laking gulat ni Andrea de Leon, ina ng biktima nang makitang nakahandusay ang anak sa loob ng kanilang comfort room ng kanilang bahay na bumubula ang bibig kung saan nakita ang isang bote na naglalaman ng chemical silver nitrate, na posibleng ito ang ininom ng dalagita.

May hinala ang pulisya, na tinang­kang kitlin ng dalagita ang kanyang buhay dahil sa labis na paghihinagpis nito ma­tapos mag-away ng kanyang nobyo. (Lordeth Bonilla)

ANDREA

AYON

BERNADETTE BERNABE

DAKONG

INOOBSERBAHAN

LORDETH BONILLA

MONROY ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with