^

Metro

8 holdaper todas

- Ni Grace Amargo Dela Cruz -

Walong holdaper na pinanini­wala­­ang kabilang sa “Waray-Waray group” ang na­sawi matapos na ma­ki­pagpalitan ng putok sa mga ta­uhan ng Manila Police District (MPD) sa paanan ng tulay sa Del­pan sa Tondo, Maynila kahapon ng hapon. 

Apat sa walong suspek ang dead-on-the-spot, tatlo rito ay pa­wang naka­suot ng shorts at t-shirt, habang ang isa ay naka-fatigue at armado ng baril.

Apat pa sa mga kasamahan ng mga ito ang nasawi habang isinu­sugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital at dalawa sa mga ito ang na­kilala sa pamamagitan ng kanilang driver’s license at ID  na sina Romeo Luciano at Victor Constantino.

Ayon sa mga doktor ng ospital, isa sa suspek ay nakasuot din ng fatigue uniform, habang ang iba ay naka-short pants at t-shirt. 

Nadamay naman ang isang by­stander na si Rizaldo Canares na may tama ng bala sa kanang hita.

Sa inisyal na report ng pulisya, da­kong ala-1:23 ng hapon nang ma­ganap ang engkwentro sa paanan ng Delpan bridge, Tondo.

Nabatid na nauna rito,  nakatang­gap ng impormasyon ang pamu­nuan ng MPD tungkol sa isasagawa umanong panghoholdap ng isang grupo ng kala­lakihan sa isang gaso­li­nahan malapit sa Manila Hotel. Dahil dito, nagtatag ng mga check­point ang pulisya sa mga po­sibleng daanan ng mga suspect.

Nabatid na sinita umano ng mga operatiba ng MPD-Station 2 (Tondo) ang sinasakyan ng mga suspek na isang kulay maroon na Nissan Urvan (ZEY 778) subalit imbes na tumigil ay pina­sibad ang kanilang sasakyan gayunman rumampa ito sa center island dahilan upang bumaba ang isa sa kanila at nag­paputok sa mga rumespondeng tauhan ng pulisya.

Nagbabaan din ang iba pang suspek mula sa sasakyan at naki­pagpalitan ng putok sa kapulisan na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspect.

Tinangkang magtago sa isang napa­­daan na kulay puting pick-up (WJY 692) ang apat pa sa suspek subalit napatay din nang makipag­palitan  ng putok sa mga operatiba ng MPD. Nakuha sa crime scene ang ilang piraso ng kalibre .45 at kalibre 38.

Napag-alaman na ang natu­rang grupo ay sangkot sa serye ng hol­dap, carjack at maging gun for hire.

vuukle comment

APAT

MANILA HOTEL

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with