Tatlo sa apat na kilabot na holdaper na nambibiktima ng mga negosyanteng Bom bay ang nakalaboso ng pulisya matapos masakote kamakalawa sa Caloocan City.
Nakilala ang mga suspek na sina Ariel Iglesias, 25; Reynante Locoson, 27; at Froilan Atiga, 17.
Samantala, hina-hunting pa ng mga pulis ang isa pang kasamahan ng mga ito, na nakatakas na dito ipinapasa ng mga nadakip ang kanilang nakulimbat.
Ayon sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-4 ng hapon nang madakip ang mga suspek habang nagpapagasolina sa isang Petron gasoline station sa kahabaan ng C-3 Road, Caloocan City. Ito’y matapos na isang impormante ang mag-ulat sa pulisya tungkol sa mga lalaking may dalang mga baril.
Kaagad na nagtungo ang mga kagawad ng Police Community Precinct (PCP-7), subalit nakatunog ang isa sa mga suspek na mabilis na tumakas habang hindi na nakapalag ang tatlo at nang kapkapan ay nakuha sa mga ito ang isang .9mm kalibre ng baril, isang magazine na puno ng bala, isang sumpak at kargado ng isang bala ng 12 gauge shotgun at dalawang kutsilyo.
Sa himpilan ng pulisya ay nadiskubreng miyembro ang mga ito ng notoryus na mi yembro ng “Locoson Gang”, na siyang responsable sa mga nagaganap na holdapan ng mga Indian traders sa Caloocan at Malabon City. (Lordeth Bonilla)