^

Metro

3 holdaper timbog

-

Tatlo sa apat na kila­bot na holdaper na nam­­bi­biktima ng mga negos­yanteng Bom­ bay ang na­kalaboso ng  pulisya ma­tapos masa­kote kamaka­lawa sa Caloocan City.

Nakilala ang mga sus­pek na sina  Ariel Iglesias, 25;  Reynante Locoson, 27; at Froilan Atiga, 17.

Samantala, hina-hunt­ing pa ng mga pulis ang isa pang kasa­mahan ng mga ito, na nakatakas na dito ipi­napasa ng mga na­dakip ang kanilang na­kulimbat.

Ayon sa report ng Ca­lo­ocan City Police, da­kong alas-4 ng ha­pon nang madakip ang mga suspek habang nagpa­pa­gasolina sa isang Petron gasoline station sa ka­ha­baan ng C-3 Road, Calo­ocan City. Ito’y ma­tapos na isang impor­mante ang mag-ulat sa pulisya tung­kol sa mga la­laking may dalang mga baril.

Kaagad na nagtu­ngo ang mga kagawad ng Po­lice Community Pre­cinct (PCP-7),  su­balit na­katu­nog ang isa sa mga sus­pek na ma­bilis na tu­ma­kas ha­bang hindi na na­ka­palag ang tatlo  at nang kapkapan ay na­kuha sa mga ito ang isang .9mm ka­libre ng baril, isang magazine na puno ng bala, isang sum­pak at kargado ng isang bala ng 12 gauge shot­gun at dalawang kutsilyo.

Sa himpilan ng pu­lisya ay nadiskubreng  miyem­bro ang mga ito ng notor­yus na  mi­ yem­bro ng “Lo­co­son Gang”, na siyang res­ponsable sa mga na­ga­ganap na holdapan ng mga Indian traders sa Ca­loocan at Ma­labon City. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARIEL IGLESIAS

CITY

CITY POLICE

COMMUNITY PRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with