^

Metro

Kidney for sale gang, timbog

- Danilo Garcia -

Siyam na lalaki ang na­sagip ng mga opera­tiba ng Quezon City Po­lice District matapos sala­kayin ang kuta ng isang “Kidney for Sale syndi­cate” maka­ raang humingi ng tulong ang isa sa mga biktima kahapon sa Que­zon City.

Hiniling naman ng mga biktima na itago ang pagkakakilanlan sa kanila upang maproteksyunan ang kanilang pribadong buhay habang nakilala ang nag-iisang suspek na nadakip na si Pio Cata­lan, 42, at residente ng Ka­siglahan Village, Ro­dri­­guez,  Rizal.

Pinaghananap na­man ngayon ang dalawa pang ahente ng mga bik­tima na nakilala sa mga alyas na “Jumar” at “Ben”.

Isa sa mga biktima ang lumapit sa kanila  at humingi ng tulong ma­tapos na maisip ang gina­gawang pag-abuso sa kanila ng sindikato.

Ayon sa biktima, inalok sila ni Catalan na mag­benta ng kidney ka­palit ng halagang P120,000.  Ka­hirapan umano ang nag­tulak sa kanila para tang­gapin ito.  Dinala naman sila sa isang bahay sa Phase 1-D Lot 57 Kasig­la­han Village, Rodriguez, Rizal kung saan may isang buwan silang lib­reng naninirahan habang naghihintay ng pasyen­teng mangangailangan ng kidney.

Sinalakay naman ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na ini­la­bas ng Quezon City Re­gional Trial Court ang naturang bahay kahapon ng madaling-araw kung saan nailigtas ang siyam na lalaki na nagbebenta ng kidney.

Sinabi naman ni Ca­talan na ipinapasa naman niya ang mga kidney ng mga biktima sa mga ahen­te na sina Jumar at Ben na  ibinibenta naman ang laman-loob sa hala­gang P200,000.  Pinag­pa­parte-partehan naman nila ang halagang P60,000.  Isang kilalang pagamutan din sa may East Avenue, Que­­­zon City ang umano’y pinagdadalhan ng natu­ rang mga kidney.

Bumaligtad ang isa sa mga biktima nang ma­ba­tid na higit pa sa P500,000 ang ibinabayad ng isang pasyente para sa isang kidney kung saan maliit na halaga lamang ang napu­punta sa kanila.

Nakadetine ngayon ang suspek sa QCPD De­tention Center at naha­harap na sa kasong pag­labag sa Republic Act 9208 Article 14 o mas kilala sa “Anti-Trafficking in Persons Act”.

D LOT

EAST AVENUE

JUMAR

KIDNEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with