13 pulis sinibak
Labing-tatlong pulis sa Kalakhang Maynila ang tinanggal sa puwesto habang apat pa ang sinuspinde ng National Capital Region Police Office kaugnay ng pinaigting na kampanya laban sa mga pulis na sangkot sa katiwalian.
Kinilala ni NCRPO Chief Director Geary Barias ang mga tinanggal sa tungkulin na sina P/Insp. Mario Matibag, SP01 Rolando Beaquin, SPO1 Jamalito Dela Cruz, PO3 Marianito Ruedas, PO3 Ferdinand Coloma, PO3 Hilario Gregorio, PO2 Bienvenido Cinco, PO2 Arlan Alba, PO2 Eligio Valencia, PO2 Eustaquio Catchin, PO1 Dennis Bernabe, PO1 Christopher Lajom and PO1 Emard Orallo, pawang nakatalaga sa Manila Police District (MPD).
Sinabi ni Barias na ina prubahan na rin niya ang pagsuspinde sa apat na miyembro ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit.
Ang apat na sinuspinde ay nakilalang sina SPO1 Danilo O Pading, PO2 Raul Tinana, PO1 Romualdo Bacani at PO1 Darlito Pinzon. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending