Binawalang manligaw sa maid, nag-suicide
Dahil pinagbawalan ng kanyang kuya at kanyang hipag na huwag ligawan ang kanilang katulong, isang 19-anyos na college student ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili kahapon ng madaling-araw sa
Nasawi noon din ang biktimang si Mark Anthony Liu, binata, ng Carisle Mansion, Bagumbong, ng nasabing lungsod. Nagtamo siya ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .357 Magnum.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay pinagsabihan at pinagbawalan ng kanyang kuyang si Robert at hipag nito, na huwag ligawan ang ka nilang katulong na hindi naman nabanggit ang pangalan. Dahil dito, nagtampo ang biktima at lagi itong nag-iisip ng malalim hanggang dakong alas-12:33 ng madaling-araw, nakarinig ang mga kasambahay ng biktima mismo sa loob ng kanyang kuwarto ng putok ng baril.
Agad nilang pinuntahan ang kuwarto ng biktima at tumambad sa kanila ang duguan at wala nang buhay na binata. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending