Bawas sa pasahe tinutukan
Binubusisi ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ipalalabas na desisyon nito hinggil sa inihaing fare reduction ng ilang bus operators sa Metro Manila.
Sa isang pulong-balitaan sa Daungan sa Danarra Hotel, sinabi ni Atty. Zena Tamayo, legal officer ng LTFRB, maliban sa petisyong inihain ng mga operators ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines noong Abril 16 na humihingi ng 30-centavo per kilometer fare hike sa lahat ng ordinary buses na may ruta mula Maynila papuntang mga probinsiya at vice versa ay may nakasampa ring petisyon para sa bawas pasahe.
Sinabi ni Tamayo, unang reresolbahin ng LTFRB ang petisyon na inihain ng 12 bus firms mula sa grupong North East Manila Bus Operators Group noong nakalipas na Pebrero na humihiling sa ahensya ng ipatupad ng 30-percent fare rollback sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending