^

Metro

Taiwanese sa ATM fraud nalambat

- Joy Cantos -

Isang Taiwanese na­tional na miyembro ng isang big-time ATM/credit card fraudster at drug traf­ficking syndicates ang na­aresto ng mga awto­ridad kasunod ng pagka­ka­samsam ng bultu-bulto ng mga pekeng ATM/credit cards at P350 mil­yong ha­laga ng drogang ketamine sa isinagawang operas­yon sa Parañaque City.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame,  iprinisinta ng mga opisyal sa pangunguna ni PNP Chief Director General Ave­lino Razon Jr. ang suspek na si Chin Chien Yang alyas Jeff Yang.

Ayon kay Razon, si Yang ay nasakote kama­ka­lawa dakong alas-4:30 ng hapon sa 19-B Hu­mility St., Multi-National Village, Pa­rañaque City.

Ang raid ay isinagawa ng pinagsanib na ele­mento ng PNP-Anti-Illegal Drugs-Special Opera­tions Task Force at Metro Manila Regional Office- Philippine Drug Enforce­ment Agency matapos ang masusing surveil­lance operations sa illegal na aktibidades ng suspek.

Nabatid na ang sus­pek ay kabilang sa nasa watchlist ng PNP-AID-SOTF Oplan ‘Tread­stone’  o ang pinalakas na kam­panya upang lan­sagin ang mga trans­national drug syndicates na sang­kot sa pagma­manupak­tura at pagbe­benta ng illegal na droga sa ban­sa.Ang sindikato ng sus­pek ay nagsi­mu­lang ku­milos sa Pilipinas simula pa noong 2006.

Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang limang malalaking transparent bags na naglalaman ng drogang ketamine na aabot sa 70 kilo na may katumbas na halagang P350 milyon.

Ang ketamine ay isang uri ng droga na gi­na­gamit na pampa­lakas sa panga­rerang ka­bayo na ma­sama ang epekto kapag ininom ng tao.

Sinabi ni Razon na bukod sa 70 kilo ng droga ay nakumpiska rin mula sa suspek ang dalawang duplicating machines, isang card printer, isang card reader, isang lami­nation machine, apat na kahon ng duplication ink, 210 piraso ng ’di pa naga­gamit na credit cards, 410 piraso ng gamit nang credit cards, pitong pe­keng ID’s at iba pa na gi­na­gamit sa pagdu-dup­lika at pagmama­nupak­tura ng mga pekeng ATM, credit cards at maging mga passports.

B HU

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVE

CHIN CHIEN YANG

DRUG ENFORCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with