Nangholdap sa pulis nadakip ng MPD

Arestado na ng mga operatiba ng Manila Po­lice District  ang isa sa mga suspek na nang­holdap sa isa sa mga opisyal ng MPD sa Sta. Cruz, Maynila, ka­hapon ng  umaga.

Iprinisinta ni MPD-Sta­tion 3 Commander P/Supt. Romulo Sapitula ang sus­pek na si Antonio Imutan, alyas Tony, 35, may-asa­wa, walang trabaho, ng #2461 Kara­patan st., Sta. Cruz, Maynila.

Ang suspek ang isa sa apat na kalalakihan na  umano’y humoldap kay P/C Insp. Isagani Ilas at sa driver nitong si Sabido Chavez habang ang mga ito ay sakay ng kanyang Toyota Altis at papauwi na sa kanilang bahay mula sa pagwi-withdraw ng perang nagkakahalaga ng P310,000. (Grace dela Cruz)

Show comments