Illegal tapping ng kuryente sa Parañaque inirereklamo

Mariing nanawagan ang mga residente sa pamunuan ng Manila Electric Company na aksiyunan naman nito ang talamak na illegal tapping ng kuryente sa isang squatter area sa Barrio Sto. Niño, Parañaque City dahil pagmumulan ito ng trahedya o sunog.

Bukod sa illegal tapping, natuklasan din ang isang videoke hang-out ng isang “alyas Osang Topak”,  na matatagpuan sa  Johans St., malapit lamang sa Passcor drive, kung saan ginagawa itong prente ng  prostitution.

Dahil sa pagkakabunyag ng illegal na akti­ bidades ni Osang Topak, pansamantala muna niyang hindi pinapasok ang mga menor de edad sa kanyang videoke hang-out upang pagtakpan na wala siyang gina­gawang illegal.

Nabatid sa impormante na pinapayagan ni Osang Topak na makipag-inuman ang kani­yang mga parokyano sa mga menor-de-edad na kabataan at kapag nalalasing na ang mga ito ay nagiging kapansin-pansin ang pagpapakita ng mga ito ng  kalaswaan.

Nabatid na  maraming  kabataang mga kaba­baihan  ang nabubuntis o napapariwara dahil nasanay na silang pumasok sa videoke hang-out ni Osang Topak na ginagawa itong bahay-tagpuan ng magkakasintahan o gina­gawa umanong motel.

Napag-alaman pa na ang videoke hang-out  ay may illegal connection ng  kuryente at ilan pang residente doon.

Patuloy ang operasyon ng naturang illegal na gawain, dahil ipinagmamalaki ni alyas Osang Topak, na malakas siya sa ilang opis­yal­­ ng barangay na siyang “protector” umano nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments