25-anyos hulog mula 25th floor ng condo, nalasog

Nagkalasug-lasog ang ka­ta­wan ng isang 25- anyos na babae matapos itong ma­ hulog mula sa ika-25 palapag ng isang commercial condo­minium building kahapon ng hapon sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Lilibeth Estrella, pansaman­talang nanunuluyan sa room 2517 Le  Mirage condominium na matatagpuan sa panulukan ng Quirino Ave.  at Mabini St. Malate ng nasabing lungsod.

Inimbitahan naman ng mga awtoridad upang mag­bigay ng linaw sa kaso ang live-in partner ng biktima na si Darryl Ashe, 45, Australian na­tional, Pangulo ng DA Manage­ment Consultancy sa Ocean Rift Perth Australia at Pre­sident/marketing director ng JAJ International Man­power Ser­vices sa 1137-A JAJ Bldg. J. Nakpil St. sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District (MPD) homicide section dakong alas-12:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa kuwarto ng mag-live-in partner sa na­sabing condominium.

Nagtatalo pa umano ang dalawa dahil sa pagseselos ng biktima kay Darryl at ilang mi­nuto lamang nang makarinig ng malakas na kalabog ang pa­­munuan ng Anito Lodge na ka­tabing gusali ng condo­minium at dito nakita ang lasug-lasog na bangkay ni Estrella.

Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, lumalabas na lu­musot ang katawan ng biktima mula sa pagkakabagsak nito sa 25 palapag ng gusali at du­mi­retso sa bubong ng Anito Lodge kaya’t nabutas ang bubong nito.

Idinagdag pa ng pulisya na tanging si Ashe lamang ang ma­­­kakapagbigay ng linaw sa tunay na pangyayari sa pag­ka­matay ng biktima dahil sila lamang ang nasa loob ng kuwarto ng maganap ang insidente.

Lumalabas din sa imbesti­gasyon na pinababa muna ni Ashe ang kapatid ng biktima at isang karpentero habang nagtatalo silang dalawa.

Si Ashe ay pabalik-balik umano rito sa Pilipinas dahil sa mayroon itong mataas na po­ sisyon sa Manpower Services.

Show comments