Kelot timbog sa pagnanakaw ng NFA rice

Bunsod ng nararanasang krisis sa bigas, hindi pinatawad ng isang 25-anyos na lalaki nang karitin ang isang sako ng bigas sa isang nakatigil na sasakyan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon. Arestado ang suspek na si Ryan Gerangco, ng 562 Del Pan St., Tondo na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Manila Police District (MPD)-Station 7 (Tondo) dahil sa reklamo ni Rodolfo delos Santos, 42, deliveryman ng 2042 Fermisa St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa kanto ng Batangas at Jasmin Sts., Tondo. Eksak­tong naka­tigil sa red signal light ang minamanehong truck ng biktima na may kargang mga NFA rice sa naturang lugar nang akyatin ng suspek ang sasakyan nito at mabilis na ibinaba ang isang sako ng bigas.  Gayunman, hindi naman nakaporma ang suspek na ma­itakas ang sako ng bigas dahil sa mabilis na pagresponde ni PO1 Gena­­lope Concepcion na nakasakay ng Mobile car 3703. (Grace dela Cruz)

Show comments