^

Metro

Driver  tinodas ng pasahero

-

Babala  sa mga driver na mahilig tumanggi sa pasahero. Buhay ang naging katumbas ng pagi­ging ‘mapili’ ng isang driver ng tricycle ma­ka­ra­ang barilin ito ng nagalit na pasahero na tinang­gihan nitong isakay, kahapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Agad na nasawi matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa baba ang biktimang si Ryan Canasa, 27 at residente ng #203 Iriga St., Brgy. Paang Bundok, sa naturang lungsod.

Patuloy namang kinikilala ang tumakas na suspek na inilarawang nasa pagitan ng edad 27-30, payat, may taas na 5’4’’, naka­suot ng gray t-shirt, pantalong maong at naka-tsinelas na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Base sa insiyal na pagsisiyasat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), pasado alas-12 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa may kanto ng P. Florentino St. at Mayon St.  sa Brgy. Sta. Teresita.

Nabatid na namamasada ng kanyang tri­cycle (UM-1124) ang biktima kasama ang kan­yang misis na si Rowena Canasa nang parahin sila ng suspek at nagpapahatid sa may España, Manila.

Dahil sa masyadong malayo, tumanggi ang biktima na isakay at ihatid ang suspek sa na­sabing lugar sanhi upang magalit ang suspek. Bumunot ito ng baril at pinaputukan si Canasa. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

DANILO GARCIA

FLORENTINO ST.

IRIGA ST.

MAYON ST.

PAANG BUNDOK

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with