Dalaga nilapnos ng selosang misis
Nalapnos ang halos buong katawan ng 30-anyos na dalaga matapos itong banlian ng kumukulong tubig ng isang selosang misis nang manibugho sa pagiging malapit ng kanyang mister sa una, sa
Kamakalawa lamang ng hapon nakapaghain ng reklamo sa Women and Children’s Protection Center (WCPC) ng Pasay City Police ang biktimang si Maria Lourdes Gayatgay, ng P-19-03 7th-13th St., Villamor Airbase laban sa suspect na si Rema “Ethel” Jardinico bunga ng matagal na pagkakaratay sa pagamutan sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa buong katawan nito.
Sa kanyang pahayag sa pulisya, nangyari ang insidente ng pagsaboy ng pinakulong tubig noong Marso 26, dakong alas-11:30 ng gabi sa inuupahang bahay ng suspect sa
Ayon sa biktima, pinapunta siya ng
Sinabi ni Gayatgay na malinis ang kanyang konsensiya kung kaya’t wala siyang takot na nagtungo sa inuupahang bahay ng ginang para na rin ipaliwanag ang kanyang panig kaugnay sa paninibugho ng huli.
Gayunman, hindi pa man siya nakakapagsalita at kakaupo pa lamang umano nito sa silya ay agad na siyang binuhusan ng kumukulong tubig ni Jardinico, sinabunutan at pinagbabato pa ng gamit sa kusina.
Kasong serious physical injuries ang isinampa sa pulisya laban kay Jardinico bunga na rin ng inilabas na medical certificate ng mga doktor na gumamot sa biktima likha ng second degree burn na tinamo nito sa buong katawan. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending