^

Metro

Niño Muhlach kinasuhan

-

Sinampahan ng kasong “reck­less imprudence re­sult­ing to damage to property with physical injuries” ng Que­zon City Traffic Management Unit ang dating child actor na si Niño Muhlach matapos na ma­bangga nito ang isang taxi nitong nakaraang Lunes ng umaga.

Isinampa ang kaso sa Que­­zon City Prosecutor’s Office laban kay Muhlach, Angelo Jose Rocha-Muhlach sa to­toong buhay, 36, at resi­dente ng #140 N. Domingo St., Cubao, ng na­turang lungsod.

Ito’y base sa reklamo ng bik­­timang si Ernesto Narciso, driver ng Jamonette taxi (TXJ-337) at naninirahan sa #2260 Avocado St., Camarin, Ca­loocan City.

Sa salaysay ni Narciso, na­ganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw nitong nakaraang Lunes sa pa­­nulukan ng Panay at Dr. Garcia Avenue, ng naturang lungsod. Binabagtas ni Nar­ciso ang Panay Avenue nang bang­gain siya sa kanang tagi­liran ng kanyang taxi ng Mitsu­bishi Montero van (XTU-342) na mi­namaneho mismo ni Muhlach. Dahil sa lakas ng pag­kaka­bangga, nagpaikut-ikot ang taxi hanggang sa bu­mangga sa isang street sign. Bu­mangga naman ang van ni Muhlach sa bakod ng isang bahay sa tabi ng kalsada.

Isinugod naman si Narciso sa Capitol Medical Center ma­tapos na magtamo ng sugat sa kanyang katawan. De­pensa naman ni Muh­lach na galing sa isang kal­sada ang taxi na hindi muna nagme-menor o huminto kaya niya na­bangga ito. (Danilo Garcia)

ANGELO JOSE ROCHA-MUHLACH

AVOCADO ST.

CITY PROSECUTOR

CITY TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

DANILO GARCIA

DOMINGO ST.

MUHLACH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with