P10 dagdag sa flagdown rate, hirit
Dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina at mga spare parts ay nakatakdang magsumite ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang malaking grupo ng mga operators at draybers ng taxi para magtaas ng flagdown rate.
Ayon kay Quezon City councilor at Philippine National Taxi Operators Association (PINTOA) President Bong Suntay na inihahanda na ng kanyang grupo ang kanilang petisyon sa LTFRB at isusumite sa buwan ng Mayo upang hilinging gawing P40 ang flagdown rates ng taxi, P10 pagtaas sa dati nitong P30 na flagdown rate.
Paliwanag ni Suntay, napilitan silang humingi ng dagdag na P10 sa flagdown rate dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina kung saan dito lang napupunta ang kinikita ng isang taxi drayber.
Nilinaw naman ni Suntay na flagdown rate lang ang kanilang gustong itaas at hindi na kasama ang kada 1 kilometrong rate na mananatili sa P2.50 per kilometer rate.
Dagdag pa nito na ang isusumite nilang petisyon sa LTFRB ay nationwide at hindi lang para sa Metro
Umaasa naman si Suntay na pagbibigyan ang kanilang hiling ng LTFRB na dapat sana ay noong Marso pa isinumite ng grupo subalit humingi umano ng palugit si LTFRB chairman Thompson Lantion para ipagpaliban muna ang pagsumite nito.
Sa panig naman ng LTFRB, sinabi naman ni Lantion na sakaling isumite ng taxi group ang kanilang petition sa dagdag ng P10 sa flagdown rate ay kanila pa itong pag-iisipan.
- Latest
- Trending