^

Metro

Israeli umiiwas sa kaso, naglaslas ng pulso

-

Upang  makaligtas  sa iba pang kasong kriminal, mas pinili ng isang Israeli national na maglaslas na lamang ng kanyang pulso kahapon ng hapon sa loob mismo ng headquarters ng Manila Police District (MPD) sa United Nations Avenue, Maynila.

Si Yehezkel Gol­den­burg, 73, nanunuluyan sa Mabini Pension House ay nadiskubreng duguan dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng isa sa mga comfort room sa ikalawang pa­lapag ng MPD.

Nagpaalam lamang umano si Goldenburg na iihi ngunit ilang mi­nuto na ang nakalilipas ay hindi pa ito bumabalik dahilan upang sundan ng ilang kagawad ng MPD-District Anti Organized Crime Task Force.

Agad naman na isi­nugod si Goldenburg  sa Ospital ng Maynila (OSMA)  at nalapatan ng lunas.

Una dito, si Golden­burg ay nahaharap sa reklamong physical injury na isinampa ng isang Marvin Mendoza, 32, residente ng Sto. Domingo st., Quezon City matapos na maki­pag-away ang nasabing dayuhan dito.

Nang makulong sa MPD ay nadiskubre ng pulisya na mayroon pa palang kinakaharap na kasong large scale illegal recruitment  si Gol­denburg at nakabiktima ito ng 20-katao sa Zam­boanga City.

Si Goldenburg ay susunduin na ng mga kagawad ng Zambo­anga Police kahapon kung kaya’t naglaslas umano ito ng pulso. (Grace dela Cruz)

DISTRICT ANTI ORGANIZED CRIME TASK FORCE

GOLDENBURG

MABINI PENSION HOUSE

MANILA POLICE DISTRICT

MARVIN MENDOZA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with