Killer ng 2 Comelec officials pulis
Tukoy na ng Manila Police District (MPD) ang dalawang suspek sa pagpatay kina dating Commission on Election (Comelec) Law Department Head Atty. Alioden Dalaig at Officer-in-Charge Wynne Asdala.
Sa isinagawang press conference ni MPD District Director Roberto Rosales ay positibong tinukoy nito sina POI Baser Ampatuan at isang alyas “
Ayon kay Rosales, si Ampatuan ang kapwa gunman nina Asdala at Dalaig batay na rin sa mga nakalap na testimonya ng pulisya mula sa tatlong testigo na hawak nito at base na rin sa mga cartographic sketch.
Si Ampatuan umano ay isang aktibong miyembro ng pulisya na nakatalaga sa Sultan Kudarat Police Station at dating miyembro naman ng Moro National Liberation Front (MNLF) bago ito pumasok sa Philippine National Police.
Sinabi din ni Rosales na may bahid politika ang pagkakapaslang sa dalawang nabanggit na Comelec Officials.
Aniya, may kaugnayan sa hinahawakang election related case ang pagpatay sa mga nasabing biktima at ito ay hinggil sa pagka-gobernador ng ilang politiko sa Shariff Kabunsuan.
Gayunman, inaalam pa rin ng pulisya kung mayroong kaugnayan si Ampatuan sa isang Governor Mastura.
Sasampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office ang dalawang suspek at ngayon ay itinuturing nang wanted sa batas.
Si Asdala ay tinambangan noong Marso 24, 2008 habang ito ay naglalakad sa panulukan ng Cabildo St. at Soriano Ave., Intramuros, Manila pabalik sa kanyang tanggapan sa Comelec. Habang si Dalaig naman ay binaril sa harap ng Hyatt Hotel sa Ermita,
Una ng sinabi ng pulisya na si
- Latest
- Trending