Walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig sa Parañaque City at Las Piñas mula bukas Abril 16 ganap na alas-11 ng gabi hanggang alas- 7 ng umaga ng Abril 17 , Huwebes.
Ayon sa Maynilad Waters, ang pagkawala ng tubig sa mga nabanggit na lugar ay bunsod ng gagawing repair at maintenance works dito.
Ang mga apektadong lugar sa Parañaque ay ang Palanyag Road; J. De Leon; Gatchalian 1; R. Medina; Aurenina; Espiritu; Villanueva; Multinational; Green Court; Palanyag / Canaynay; Bernabe; Salvador Estate; Claramen; Villa Lourdes; Valley 2, 11, 12, 13, 14 and 15; Fortunata Village; Dela Cruz Compound; Cruz Compound; Topland; SM / LPHI / Virra Mall; lugar sa kahabaan ng Quirino Ave. mula Pelaez St. hangang MH Del Pilar St.; Brgy. San Dionisio; Brgy. La Huerta; Brgy. Dongalo; Sto. Niño; kahabaan ng Sucat Road mula sa may SM hangang sa may McDonald’s; Brgy. San Isidro, Parañaque; at Brgy. Manuyo Uno sa Las Piñas.
Ayon sa Maynilad, isasagawa nila ang interconnection ng 300-mm pipelines sa kasalukuyang 450-mm mainlines sa kahabaan ng Sucat Road malapit sa SM Sucat, Sucat Road sa harap ng Shell Gas Station, Sucat Road malapit sa kanto ng Kay Talise, at Sucat Road malapit sa Mc Donald’s Gatchalian, Parañaque City.
Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag ipon na agad ng tubig para may magamit sa panahon na walang suplay sa kanilang lugar. (Angie dela Cruz at Rose Tamayo-Tesoro)