^

Metro

Holdap suspek nakipagbarilan sa parak

- Angie dela Cruz, -

Agaw-buhay ang isang holdaper maka­raang makipagbarilan sa isang pulis habang ini­hahain ang warrant of arrest dito, kamakalawa sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng tama ng bala sa katawan ang suspek na kinilalang si Merboy Ortiz, 19, resi­dente ng #251 Pag-asa St., Bo. Maricaban na­sabing lungsod.

Hindi naman napu­ruhan si PO1 John Emer­son Villarojo, 37, naka­talaga sa Pasay City Police Special Wea­pon and Tactic/Explosive Ordnance Division.

Ayon kay PO2 Mi­chael Manarang ng Pasay City, dakong 3:30 ng hapon ay nagpa­sama si Barangay Chair­­man Agapito Lagud, 67, ng Bgy. 185 Zone 19 kay PO1 Villarojo sa bahay ng suspek upang ihain ang warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 133 Judge Ca­ridad Grecia Cuerdo, para sa kasong murder at frustrated homicide.

Nahaharap din ang suspek sa kasong robbery hold-up kung saan naging biktima nito ang mag-asawang Mel­vin at Michelle Ocampo, na naganap kamaka­lawa ng madaling araw sa Al­mazor St., Marica­ban.

Nabatid na pinatuloy ng ina ng suspek na hindi nabanggit ang pangalan sa loob ng kanilang bahay ang nabanggit na alagad ng batas at ba­rangay chairman upang ihain ng mga ito ang arrest warrant.

Bigla na lamang su­mul­pot ang suspek na may dalang sumpak at pinaputukan nito ang pulis na dadakip sa kanya, ngunit naging mabilis at alerto si P01 Villarojo.

Hindi ito tinamaan, dahil kaagad itong na­kapagkubli at mabilis itong gumanti ng putok hanggang sa nagpalitan ng putok ang dalawa.

Tinamaan ang sus­pek sa tiyan at kahit may tama na ito at duguan ay na­gawa pa nitong ma­ka­talon sa bubu­ngan, ngunit dahil sa dami ng dugo ay nang­hina ito kaya hindi na na­kakilos, dahilan upang agaran itong isugod sa nabang­git na pagamu­tan.

Nakumpiska sa sus­pek ang isang sumpak at mga bala ng 12-gauge shotgun at sa ka­bila na nasa ma­ se­lang kalaga­yan ito ay ihiha­handa na ng Pasay City Police ang pani­ba­gong kaso laban dito.

vuukle comment

AGAPITO LAGUD

BARANGAY CHAIR

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

GRECIA CUERDO

SHY

VILLAROJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with