World class ‘Bilis responde’ ng MPD
Pasisinayaan na bukas (Lunes) ang world class na gadget ng Manila Police District upang mas pabilisin pa ang pagresponde sa anumang emergency at krimen sa lungsod ng Maynila.
Sa pagsisimula ng modernisadong District Tactical Operations Center (DTOC) inaasahang nadala na sa Maynila ang subok na sa bilis na pagresponde ng ilang ‘first world countries’ na may awtomatikong alarma at pagresponde sa sinuman at saanmang nangangailangan ng police assistance, sa ilalim ng programang “Citywatch”.
Kabilang sa makikinabang dito ang mismong mga residente at business establishments na kakabitan ng makabagong gadget na konektado sa DTOC ng MPD.
“I have always been a believer in the use of technology in carrying out our mandate to serve and protect our people and this modern system puts as at par with law enforcement agencies in first world countries,” ani MPD Director Chief Supt Roberto Rosales.
Ang bagong sistema ay makatutulong sa pagpapakabit ng Global Positioning System (GPS) sa isang residential, commercial at business establishments, bukod pa sa ikakabit sa MPD mobile patrol cars na awtomatikong magrereport ng lokasyon nito sa DTOC. Makikita ng MPD personnel sa bawat minuto sa kanilang digital map ang lokasyon ng partikular na nangangailangan ng responde at mga nakaantabay na patrol cars na pinakamalapit sa area at mga personnel na idi-dispatch na may hawak namang bagong mobile hand-held radio.
Ang serbisyong makakamit mula sa pagiging subscriber ng “CityWatch” ay ang awtomatikong makakatanggap ng alerto na hindi na kakailanganin pang gumamit ng telepono. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending