Ex-QC police nagbaril sa sarili

Hinihinalang  matinding de­presiyon matapos na iwan ng asawa’t anak ang dahilan ng pagpapakamatay ng  isang dating kagawad ng Quezon City Police District (QCPD), ka­hapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nadiskubreng duguan at wala nang buhay ang bikti­mang si Manuel Villanueva, 43,  residente ng #511 Panday Pira St., Tondo dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay nito.

Batay sa ulat ni Det. Ed Ko ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bago ang insidente, nakipag-inuman pa ang biktima sa pa­mangking si Arnel Ranares at ka­ibigan na si Salvador Ri­donio, bandang  alas-10 ng gabi, kamakalawa.

Habang nag-iinuman uma­no ay ipinakita pa ng biktima ang kanyang kalibre .38 baril mula sa drawer at napag­kwen­­tuhan ang dating ser­bisyo sa pulisya.

Nang lumabas si Ranares para magpa-load ay naiwan umano sa bahay niya ang biktima at si Ridonio at dakong alas-12 ay doon narinig ng una ang isang  putok ng baril. Ma­bilis umano siyang bu­malik at ibinalita sa kanya ni Ridonio na sugatan ang bik­tima at hawak na nakatutok pa ang baril sa sariling kaliwang ka­may nang datnan ni Ra­nares.

Sa impormasyong nakalap ng imbestigador, nasibak sa serbisyo bilang pulis ang bik­tima noong 1992 nang matalo sa asunto sa reklamo ng nob­yang nabuntis nito.

Dahil dito, napilitang pu­ma­sok bilang dray­ber umano ang biktima at makalipas ang ilang taon ay nag-asawa ito sa isang “Joan” at nagka-anak.

Noong Pebrero lamang ng ta­ong ka­sa­lukuyan ay nag­hi­wa­lay ang mag-asawa at umalis sa ka­nilang bahay ang misis ka­sama ang dalawang taon gulang nilang anak.

Bagamat kumbinsido ang mga kaanak ng biktima na ma­tinding pagdaramdam ang na­­ra­­nasan nang iwan ng pa­milya kaya ito nag-iinom ng alak, pi­nag-aaralan pa rin ng pu­lisya kung may foul play sa kaso.

Show comments