^

Metro

Operasyon ng LRT naparalisa dahil sa blackout

-

Umaabot sa 30,000 pasa­hero ang naapektuhan ang bi­yahe matapos magkaroon ng dalawang oras na malawakang blackout sa northern part ng Metro Manila na ikinaapekto ng biyahe ng dalawang linya ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng umaga.

Ayon kay Jinky Jorgio, taga­pagsalita ng LRT, dakong alas- 9 ng umaga ng matigil ang ope­rasyon ng LRT Line 1 at 2 ma­tapos na mag-trip ang power supply sa Sta. Mesa, Manila dahil sa isang aksidente sa kons­traksyon ng New Golden City Builders dahilan upang awtomatikong mag-shut down ang apat na power plants ng National Transmission Corpo­ration (TRANSCO).

Dahil sa nasabing insidente ayon kay Jorgio, umaabot sa P500,000 ang nalugi sa pagtigil ng operasyon ng LRT line 1 na bu­mibiyahe mula Santolan, Pasig hanggang Recto at Line 2 na bumibiyaheng Baclaran hanggang Monumento.

Dagdag pa ni Jorgio, 20,000 sa mga pasahero na naapektu­han ay mula sa Line 1 habang ang 10,000 pasahero ay mula sa Line 2. Naibalik ang operas­yon ng LRT dakong alas-10:06 na ng umaga habang ang Line 2 naman ay inumpisahan ang nor­mal operation bandang alas-10:45 na ng umaga.

Sa estimate na ginawa ng pamunuan ng LRT, sinabi ni Jorgio na sa average na P14.20 kada pasahero ng dalawa nilang tren umaabot sa P556,203 ang kanilang lugi sa pagtigil ng ka­nilang operasyon subalit ayon dito na wala silang balak pang pabayaran ang kanilang nalugi sa contractor ng ginagawang construction dahil hindi naman umano ito sinasadya. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

EDWIN BALASA

JINKY JORGIO

JORGIO

LIGHT RAIL TRANSIT

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

NATIONAL TRANSMISSION CORPO

NEW GOLDEN CITY BUILDERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with