^

Metro

Bultu-bultong mga bala, pampasabog ililipat na sa PNP

-

Nakatakdang ilipat ng Bu­reau of Fire Protection (BFP) sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) ang daang kahon ng mga bala at pampasabog na nakumpiska sa isang bodega na pag-aari ng isang Tsinoy sa Valen­zuela City.

Ito’y matapos na ipag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno upang hindi na magawang maitakas ang natu­rang mga bala sa loob ng bo­dega ng Stronghand Inc., sa Ser­vice Road, Brgy. Paso de Blas, Valenzuela City ng may-ari nito.

Inihahanda na rin ang pag­sasampa ng kasong illegal pos­session of ammunitions at explo­sives laban sa may-ari ng bodega na si Kedin Go Cedenio bukod pa sa kakaharapin dahil sa pag-ooperate ng walang business permit at lisensya sa Valenzuela City Government.

Nakatakda rin naman na big­yan ng spot promotion ni Puno ang mga bumbero na rumes­ponde sa lugar kung saan na­agapan na kumalat ang apoy na mahagip ang mga bala at pam­pasabog na posibleng lumikha ng napakalakas na pagsabog na maaaring ikasawi ng ma­raming buhay sa mga residente at mga motorista sa North Luzon Expressway.

Partikular na inatasan ni BFP director, Chief Supt. En­rique Linsangan na ibigay na ang mga dokumento at pisikal na mga ebidensya na nakalap sa lugar ng sunog sa PNP-Cri­mi­nal Investigation and De­tection Group (CIDG) na siyang nagsasagawa ngayon ng ma­susing imbestigasyon.

Matatandaan na naganap  ang sunog nitong alas-9 ng gabi ng Abril 5.  Dito nadiskubre ng mga bumbero ang 200 kahon ng iba’t ibang bala, 120 kahon ng slugs, smokeless powders at 1,600 kahon ng firearm primers. (Danilo Garcia)

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

FIRE PROTECTION

INVESTIGATION AND DE

KEDIN GO CEDENIO

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with