^

Metro

Jueteng den ni-raid: 62 arestado

-

Umaabot  sa 62 kubrador at mga kabo ang dinampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) mata­pos na salakayin ang isang bahay na sinasabing bolahan ng iligal na sugal na jueteng sa naturang lungsod.

Kaugnay nito, ipinag-utos   ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang manhunt operation laban sa isang George Bueno na siya uma­nong may-ari ng bahay na ginagamit na bolahan na mata­tagpuan sa #99 Jericho street, Fil-Heights Subdivision, Brgy. Bagong Silangan, ng naturang lungsod.

Ayon kay Supt. Constante Agpaoa, hepe ng Station 6, nakatangap umano sila ng impormasyon kung saan isinasagawa ang pagbola ng jueteng sa naturang bahay kaya inilunsad ang pagsalakay dakong alas-12:10 ng hating­gabi.

Naabutan ng mga awto­ridad ang dinampot na katao habang binobola ang numero sa jueteng.  Nakumpiska sa mga ito ang iba’t- ibang jueteng paraphernalia, isang Ford Expedition, Ford Ranger, isang pampasaherong jeep na gamit ng mga kolektor at libu-libong halaga ng mga barya at bills na pera na nakuha sa kolek­syon sa pataya.

Ikinatwiran naman ng mga nadakip na kolektor at kabo na sobrang kahirapan ang nag­tulak sa kanila para sa natu­rang trabaho kahit alam nilang iligal.  Sinabi naman ni Gatdula na nahaharap ang mga na­dakip sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 kabilang na ang may-ari ng bahay na si Bueno. 

Nabatid rin na si Bueno ang may-ari ng ilang beerhouse na sinalakay rin ng QCPD dahil naman sa pagpapalabas ng malaswa ng mga babae sa entablado. (Danilo Garcia)

BAGONG SILANGAN

CONSTANTE AGPAOA

DANILO GARCIA

DIRECTOR SR. SUPT

FIL-HEIGHTS SUBDIVISION

FORD EXPEDITION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with