Opisina sa libreng serbisyong legal inilagay sa QC Hall

Naglagay ng libreng legal aid desk ang Federacion Interna­cional de Abogadas (FIDA) of the Philippines sa Quezon City Hall upang tulungan ang mga kaba­baihan at bata na nanga­nga­ilangan ng serbisyong legal, lalo na yaong mga biktima ng pang-aabuso.

Lumagda sa isang kasun­duan sina Mayor Feliciano Bel­monte Jr. at Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez, presi­dente ng FIDA upang isakatu­paran ang paglalagay ng legal aid desk sa QC Hall, sa paki­kipagtulungan ng Gender and Development Re­ source and Coordinating Office (GADRCO) na pinamu­munuan ni Mary Ruby Palma.

Bilang grupo ng mga kaba­baihang abogado, ang FIDA ay kilala hindi lamang dito kundi sa ibang bansa, dahil sa aktibo nitong pakikibahagi sa promos­yon ng kapakanan ng kababa­ihan at bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal assistance at outreach program.

Magkakaroon ng isang abogado ang FIDA legal aid desk na mag-oopisina sa QC Hall, isang araw sa isang linggo o kada dalawang linggo upang mag­bigay ng libreng konsul­tasyon sa usaping legal, pag­gawa ng mga dokumento na ka­kailanganin at iba pang legal services tulad ng legal repre­sentation sa mga kababaihan at bata na kailangan ng legal assistance.

Ang mga kaso ay maaaring dalhin sa legal aid desk sa pama­magitan ng GADRCO personnel na tutulong sa FIDA lawyer sa pagbibigay ng legal assistance.

Ang GADRCO ay isang ad­mi­nistrative, coordinative re­search and resource unit na nasa ilalim ng opisina ng Mayor. Ito rin ay nagsisilbing member office  ng QC GAD Council para sa imple­mentasyon ng QC Gad Code.

Show comments