^

Metro

P5-M shabu nasamsam ng NBI

-

Nasamsam ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso  at nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug pusher sa isinagawang pagsalakay sa Pasig City, iniulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang nadakip na suspek na si Abulkair Luminog, alyas  Mayor Sultan, 24, at residente ng No112 Adelaide st., Green Park Village, Barangay Manggahan, Pasig City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon  ng Reaction, Arrest and Interdiction  Dept. (RAID) sa pamumuno ni Head Agent  Roel S. Bolivar, naka­tanggap ng impormasyon ang NBI ka­ugnay sa umano’y illegal na operasyon ng pagpa­pakalat ng shabu sa nasabing lugar at ang nagpapatakbo dito ay nakilala lamang sa alyas na  Mayor Sultan.

Bunsod nito’y, isinailalim sa surveillance ope­ration ang suspek at ng makumpirma ang ilegal na aktibidades nito ay agad na isinagawa ang operasyon. Armado ng arrest warrant na ipi­na­labas ni Manila Regional Trial Court Branch 33  Judge Rey­naldo Ros ay  dinakip ang suspect sa isinagawang raid. Nasamsam dito ang may isang kilo ng shabu na nagka­kahalaga ng P5-milyon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 11-12 Article II ng Republic Act 9165 – Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasig City Prosecutors Office kung saan walang inirekomendang piyansa para dito. (Grace dela Cruz at Edwin Balasa)

ABULKAIR LUMINOG

ARREST AND INTERDICTION

BARANGAY MANGGAHAN

DIRECTOR NESTOR MANTARING

MAYOR SULTAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with