^

Metro

Cellphone snatcher timbog sa tanod

-

Nagpakitang-gilas ang isang barangay tanod nang arestuhin nito ang isang 30 -anyos na lalaki na nang-agaw sa cellphone ng isang sales lady sa Tondo, Maynila kaha­pon ng madaling araw.

Kasong robbery-snatching ang kinakaharap ng suspek na si Louie Vela, may asawa, walang trabaho, ng 358 Sta. Margarita  St., Tondo dahil sa reklamo ni Jovelyn Caparal, 23, dalaga, saleslady, ng Parola Compound, Tondo.

Sa report ni Supt. Jose Mario Espino, hepe ng Manila Police District-Station 2, dakong ala-1:00  ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Sta. Margarita St., Tondo.

Sa salaysay ng biktima, papauwi na ito sakay ng isang pedicab nang  sumulpot ang suspek sa likurang bahagi nito at  hinablot ang hawak nitong cellphone.

Nagtatakbo papalayo ang suspek bitbit ang cellphone ng biktima gayunman  napansin ng nagpapatrulyang tanod na si Jefferson Lopez ng Barangay 14, Zone 2, District 1 ang naturang komosyon matapos na magsisigaw ang  biktima kaya hinabol nito ang suspek na nagresulta sa pagkakaaresto  nito. (Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

GRACE AMARGO

JEFFERSON LOPEZ

JOSE MARIO ESPINO

JOVELYN CAPARAL

LOUIE VELA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARGARITA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with