^

Metro

300 pamilya nasunugan

-

Humigit-kumulang  sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan habang tinatayang aabot sa hala­gang limang mil­liong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa isang sunog kamakalawa ng gabi sa Caloocan City .

Ayon kay C/Insp. Juan Reyes, Caloocan City Fire Mar­shal, dakong alas-7:20 ng gabi nang tupukin ng apoy ang bahay ng isang Eliza Abesamis sa #366 BMBA Compound, 2nd Street, 5th  Avenue ng nabanggi na lungsod.

Nagsimula ang sunog sa loob ng kuwartong inuukopa­han ng isang Junior at Levi Sebastian sanhi umano ng napabayaang sinindihang  kandila dahil sa walang kur­yente ng mga oras na iyon.

Ang sunog ay tumagal ng higit sa apat na oras at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Samantala, naalarma at nabulabog ang mga res­i­dente ng isang barangay sa Valenzuela City nang biglang lamunin ng apoy ang isang bodegang naglalaman ng mga bala at  pampasabog  sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormas­yon kay C/Insp. Agapito S. Nacario, Valenzuela City Fire Marshal, bandang alas-9 ng gabi nang magsimulang mag­­l­iyab ang kaliwang ba­hagi ng stockroom ng Stronghold Inc. na pag-aari ng isang Kedin Go Cedenio sa 559 Paso de Blas ng nabanggit na lungsod.

Dahil sa mabilis na pag­responde ng mga kagawad ng pamatay sunog ay dagling naagapan ang pagkalat ng apoy at mabuti na lamang ay hindi nadamay ang mga na­kaimbak na sari-saring bala ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga pampasabog.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga Arson Investigator hing­gil sa insidente at ele­mento ng Valenzuela City Police hinggil sa mga nadis­kubreng mga bala at mga pampasa­ bog para mabatid kung may kaukulang doku­­mento ang mga ito. (Lordeth Bonilla)

AGAPITO S

ARSON INVESTIGATOR

CALOOCAN CITY FIRE MAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with