Riding-in-tandem gang gigiyerahin
Nagdeklara ng all out war ang pamunuan ng Eastern Police District laban sa mga motorcycle riding-in-tandem robbery gang na kadalasang bumibiktima sa mga kliyente ng banko.
Pinangunahan ng mga chief of police ng lungsod ng San Juan, Marikina, Mandaluyong at Pasig ang pagroronda sa mga commercial areas na kanilang nasasakupan para personal na pamunuan ang ginagawang checkpoints at chokepoints sa kanilang mga lugar.
Ang pagsasagawa ng all out war sa mga riding-in-tandem robbery group ay bilang pagsunod sa kautusan ni EPD Director chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz dahil sa magkakasunod na holdapang naganap kung saan ang mga suspek ay pawang lulan ng motorsiklo at armado ng baril.
Nabatid na sa loob lang ng mahigit isang buwan ay apat na ang malalaking holdapan na sangkot ang riding -in-tandem group at nambiktima ng mga negosyanteng naglalabas ng malaking halaga ng pera sa banko.
- Latest
- Trending