C-5 road  iwasan

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista na iwasan na munang du­maan sa southern portion ng C-5- Kalayaan Avenue intersection sa Makati City pansa­mantala dahil sa gina­gawa  ritong konstruk­syon na po­sibleng tumagal nang tatlong buwan.

Dahil dito, inaasahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar at upang hindi maabala o maipit sa trapiko ay umiwas na ang mga motorista o dumaan na lamang sa mga alternatibong madadaanan.

Sa kabila nito, siniguro na­man ng  pamunuan ng MMDA na maraming traffic en­forcers ang kanilang itatalaga sa lugar upang gabayan ang mga motorista.

Sa panayam kay MMDA Traffic Operations Chief Roberto Esquivel, ang na­ sa­­bing konstruksyon ay bunga ng itinatayong elevated U-turn roadway na siya uma­nong solusyon sa dati nang inirereklamong masikip na daan ng C-5 dala na rin ng maraming bilang ng mga sasakyan na dumaraan dito.

Pinayuhan rin ng MMDA ang mga motorista na mang­gagaling sa Rizal province na kumanan na sa Amang Rod­riguez, kanan ulit sa Ortigas Avenue at saka lamang mag-U-turn pabalik sa C-5 o papunta sa Edsa. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments