Bituka ni mister ‘pinaluwa’

Halos lumuwa ang bituka ng isang  40-anyos na mister nang mapagtripan itong sak­sakin at pagpapaluin ng dala­wang hindi nakikilalang adik sa droga kahapon ng mada­ling-araw sa Navotas  City.

Kritikal at kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa Tondo Medical Center ang biktimang si Gilbert Delovino  ng Block 26, Lot 39, Phase 2, Area 1 ng nabanggit na lungsod habang tinutugis na­man ng pulisya ang dala­wang suspek, na kinilala lamang sa mga alyas na  “Joel” at  “Jona­than”,  na mga residente ng Phase 2, Area 1.

Sa ulat ni PO2 Randel Adora, may hawak ng kaso, dakong alas-3:00 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Habang  naglalakad pa­uwi ang biktima kasama ang kanyang kaibigan at kapit­bahay na si Joel Reyes, 38,  mula sa lamayan ng patay malapit sa kanilang lugar.

Ayon kay Reyes, nakasa­lubong nila ang dalawang sus­pek na pawang nanlilisik ang mga mata sanhi ng sobrang pagkabangag sa droga at ilang hakbang pa lang silang naka­lalagpas ay agad na inatake ng saksak at hatawin ng bote ng beer sa ulo ng mga suspek  ang biktima lamang na si Delovino.  (Lordeth Bonilla)

Show comments