Outbreak ng sakit sa mga kulungan, nakaamba
Gumagawa na ngayon ng paraan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na masawata ang nakaambang “outbreak ng sakit sa mga kulungan matapos na ilang mga preso na ang nagkakasakit sa Manila City Jail sanhi ng matinding init.
Sinabi ni MCJ warden J/Supt. Emilio Culang na ipinag-utos na niya sa doctor ng kanilang infirmary na pagsasagawa ng 24 oras na pagmonitor sa kalusugan ng mga preso partikular na sa mga maysakit.
Una nang inihayag ng doktor ng MCJ na si Chief Insp. Eden Fe Cajilig na nasa 137 preso na ang tinamaan ng iba’t ibang karamdaman na kanila nang nilalapatan ng lunas. Isa sa mga ito ang isinugod pa sa
Niliwanag naman nito na hindi pa matatawag na heat stroke ang naganap sa bilanggong si Phillip Marcelo na nasa maayos na kalagayan na ngayon.
Mula nitong Marso 20, nasa 35 preso ang tinamaan ng sakit sa balat na “scabies” o galis-aso; 20 ang may pigsa, 42 ang nagpositibo sa tuberkulosis, 15 ang may hika, 4 ang may sore eyes, isa ang may bulutong at 20 ang may high blood.
Sa kabila nito, iginiit ni Culang na natural naman ang pagkakasakit sa mga preso lalo na ngayong tag-init. Hindi lamang umano ang MCJ ang nakakaranas ng sobrang pagsisikip.
Nabatid naman nasa 1,500 bilanggo lamang ang kapasidad ng MCJ ngunit kasalukuyang higit sa 4,500 preso ang nakapiit dito ngayon na mistulang malasardinas na. (Danilo Garcia at Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending