QC no.1 sa koleksyon ng buwis

Dapat tularan ng ibang lokal na pamahalaan sa bansa ang mga pamamaraang ipinatu­tupad ng pamahalaang lungsod ng Quezon City sa mga resi­dente nito, partikular sa mga tax­payer, para mapadali at mapa­bilis ang kanilang transaksiyon sa QC Hall.

Ito ang isang sikreto ni Mayor Feliciano Belmonte Jr. kaya nananatiling nangunguna sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa ang Quezon City pag­dating sa usaping tax collection.

Sa City Civil Registry Office (CCRO) halimbawa, makikita na kaagad ang mga nakapaskil na mga karatula kung paano ang tamang proseso at mga kaila­ngang dokumento sa pag-a-apply ng birth, marriage at death certificate. Gayundin sa mga kaso ng pagtatama ng mga maling im­pormasyon sa birth at marriage certificate at kung may mga hearing pa na isasagawa upang hindi maguluhan o malito ang mga aplikante nito.

Nauna rito, ipinag-utos ni Belmonte sa walong ahensya ng City Hall na maglagay ng mga karatula sa kani-kanilang mga tanggapan na nagbibigay impormasyon tulad sa require­ment sa pagkuha ng mga clearance, permit, lisensya, serti­piko, bilang ng araw ng pagpoproseso, telepono na maaaring tawagan at iba pa.

Samantala, pinaalam ni City Treasurer Victor Endriga na naka­kolekta ang pamahalaang lungsod ng may kabuuang P4,272,784,805.20 hanggang noong Marso 31, ng unang quarter ng taong ito

Sa business tax naman, naka­likom naman ng may P1,453,172,190.79 na mas ma­taas ng P180 milyon kumpara noong isang taon. Nakakolekta naman ng may P786.6 milyon mula sa real property tax na tu­maas ng may P17.2-M kum­para noong 2007. Sa kasaluku­ yan, may halos P7.65 bilyon ang pa­mahalaang lung­sod sa banko, samantalang ang general fund ay umaabot sa P6.51 bilyon.

Show comments