Salvage victim natagpuan
Isa na namang biktima ng salvage na pinaniniwalaang isang holdaper ang natagpuan matapos itong kataying parang baboy at pakuan ang ulo nito ng karatulang may katagang “siya ay holdaper at huwag pamarisan” ng pinaniniwalaang grupo ng mga vigilante na iniulat kahapon sa Caloocan City.
Tinatayang nasa 40-45-taong gulang, may taas na 5’8’’, katamtaman ang pangangatawan, bilugan ang mukha, kayumanggi, nakasuot ng lumang maong short pants at puting t-shirt.
Ayon sa ulat, ang nasabing bangkay ay natagpuan dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa likod ng Bonifacio Market sa panulukan ng
Hinihinala naman ng mga awtoridad na pinatay sa ibang lugar bago itinapon sa naturang lugar ang bangkay ng di-nakilalang biktima upang iligaw ang mga imbestigador at nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang Caloocan City Police hinggil sa insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending