^

Metro

1,000 pulis ng NCRPO, iniimbestigahan sa katiwalian

-

Umaabot sa mahigit 1,000 pang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang iniimbesti­ga­han ka­ugnay ng pagkakasang­kot sa iba’t ibang kaso.

Ito ang nabatid kay NCRPO Chief Director Geary Barias alinsunod sa ipinatutupad na  “Op­lan Patnubay” upang linisin ang imahe ng pam­ban­sang pulisya.

Sinabi ni Barias na determinado siyang lini­sin ang hanay ng NCRPO laban sa mga tiwaling pulis na nagsi­silbing batik sa organi­sasyon ng pam­bansang pulisya.

Ayon kay Barias, na­ka­tanggap sila ng 1,188 rek­lamo laban sa mga pulis sa unang tatlong buwan ng taon. Una nang ipinatupad ni Barias ang pagsibak sa 42 pulis, lima ang na-demote, 173 na-suspinde, 266 itinigil ang pag­tanggap ng sahod at 158 pa ang pinatawan rin ng kaparu­sahan.

Binigyang-diin ng opis­yal na ipinamamadali na niya ang imbesti­gasyon sa kaso ng ma­higit 1,000 pang pulis upang mapa­tawan ng kaparusahan ang mga nag­kasala habang tumu­tupad sa tungkulin. (Joy Cantos)

AYON

BINIGYANG

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

JOY CANTOS

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PATNUBAY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with