P20 milyong shabu, winasak ng PDEA

Tinatayang P20 mil­yong halaga ng mga ke­mi­­kal na gamit sa pag­likha ng shabu at mga ma­­ma­haling kagamitan buhat sa tatlong shabu laboratory ang wina­sak kahapon ng Philippine Drug Enforce­ment Agen­cy sa Valen­zuela City ka­hapon.

Sa ulat ni ret. Chief Insp. Marilyn Dequito, hepe ng PDEA laboratory Ser­vices kay Undersec­retary Dionisio Santiago Jr., nag­mula ang pinag­sama-samang kemikal sa mga sinalakay na labora­toryo sa Calumpit, Bula­can; Pilar, Bataan; at Angeles City, Pampanga.

Pinangunahan na­man ni Rep. Roque Ab­lan, chair­man ng House Com­mittee on Dange­rous Drugs ang pagmaso at pag­sunog sa mga kemikal sa loob ng Park Industrial Compound sa Brgy. Pun­turin, Valen­zuela City.

Sinabi ni Santiago na ang pagwasak sa mga ebidensya na posibleng lumikha ng multi-milyong halaga ng iligal na droga ay base sa kautusan ni Pa­ngulong Arroyo na agad na sirain ang mga ebiden­syang nakukuha upang hindi na mapaki­nabangan.

Inumpisahan ang pag­­­wasak ng mga ilegal na droga at ebidensya nang ipasa ng DDB ang Board Resolution 1 na nagbi­bi­gay ng mandato sa PDEA na magsagawa nito.

Naharap naman sa problema ang PDEA ma­tapos na mabatid na wala pa palang kasong naisa­sampa sa korte sa mga sisiraing ebidensya dahil sa kapalpakan noon ng mga imbestigador at mga operatiba. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

Show comments