P20 milyong shabu, winasak ng PDEA
Tinatayang P20 milyong halaga ng mga kemikal na gamit sa paglikha ng shabu at mga mamahaling kagamitan buhat sa tatlong shabu laboratory ang winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Valenzuela City kahapon.
Sa ulat ni ret. Chief Insp. Marilyn Dequito, hepe ng PDEA laboratory Services kay Undersecretary Dionisio Santiago Jr., nagmula ang pinagsama-samang kemikal sa mga sinalakay na laboratoryo sa Calumpit, Bulacan; Pilar, Bataan; at Angeles City, Pampanga.
Pinangunahan naman ni Rep. Roque Ablan, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagmaso at pagsunog sa mga kemikal sa loob ng Park Industrial Compound sa Brgy. Punturin, Valenzuela City.
Sinabi ni Santiago na ang pagwasak sa mga ebidensya na posibleng lumikha ng multi-milyong halaga ng iligal na droga ay base sa kautusan ni Pangulong Arroyo na agad na sirain ang mga ebidensyang nakukuha upang hindi na mapakinabangan.
Inumpisahan ang pagwasak ng mga ilegal na droga at ebidensya nang ipasa ng DDB ang Board Resolution 1 na nagbibigay ng mandato sa PDEA na magsagawa nito.
Naharap naman sa problema ang PDEA matapos na mabatid na wala pa palang kasong naisasampa sa korte sa mga sisiraing ebidensya dahil sa kapalpakan
- Latest
- Trending