^

Metro

Mag-ama patay sa sunog

- Angie dela Cruz, -

Patay ang isang   mag-ama matapos ma­kulong sa naglalagablab na apoy, habang tatlo pa ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na sunog  na naganap kahapon ng umaga sa Pasay at Pa­rañaque City.

Magkayakap pa nang matagpuan ng mga ta­uhan ng Pasay City Bu­reau of Fire Protection  ang mag-amang biktima na sina Rufo, 38; at Ro­de­lyn Upos, 9, sa tinitira­han nilang apartment  na matatagpuan sa #202 Orion St., Libertad, Pasay City.

Batay sa pagsisiyasat ni Arson investigator SFO3 Renato Recto, nag­­­simula ang sunog da­kong alas-4:55 ng ma­daling-araw sa apartment na tinutuluyan ng mag-ama  na hinihinalang nag­simula dahil sa sala-salabat na koneksiyon ng kuryente.

Ilang mga nasunugan ding residente ang nag­pa­hayag na narinig pa nila ang paghingi ng tulong ng mag-ama ma­tapos ma­ kulong sa nasu­sunog na apartment su­balit wala nang magawa ang mga kapitbahay dahil lubha ng malaki ang apoy.

Dakong alas-6:35 na ng umaga nang matag­puan ng mga bumbero ang bangkay ng mag-ama matapos na tulu­yang maapula ang apoy na tumupok sa tinatayang P2-milyong halaga ng mga ari-arian.

Samantala, sa hiwa­lay na insidente, sugatan naman at isinugod sa pa­gamutan ang apat na ka­tao sa malaking sunog na tumupok sa may 100 ka­bahayan dakong alas-6:45 ng umaga sa Cruz Compound, Brgy. San Isidro, Parañaque City na hinihinalang sanhi ng na­iwanang nakasinding kandila.

Kinilala ang mga su­gatan na sina Josel dela Rosa; Ricardo Ramos; Gabriela Resultay at Jenny Buco na pawang nasa ligtas nang kala­gayan.

 Hinahanap naman ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay na pinag­mu­lan ng sunog na nakila­lang si Vanny Sagala, 25,  na bigla na lamang nag­laho matapos maapula ang apoy dakong alas-9:10 ng umaga.

Aabot naman sa ma­higit P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa naturang sunog na naka­apekto sa may 200 pa­milya.

CITY

CRUZ COMPOUND

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with