^

Metro

Habambuhay hatol sa ‘tulak’

-

Hinatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang ‘tulak’ ng droga na nahulihan ng halagang P250 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation na isinagawa ng pulisya limang taon na ang nakalilipas sa Pasig City.

Bukod sa na­sabing pagkakabilanggo ay inatasan din ng korte ang akusadong si Eduardo Borlagdatan na magbayad ng P500,000  bilang kaparusahan sa kasong pagtutulak ng iligal na droga.

Base sa anim-na-pahinang desisyon ni Judge Librado Correa ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 164, naaresto ang akusado noong Marso 20, 2003 sa Villa Sanchez St., Brgy. Palatiw ng lungsod na ito nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang Pasig police hinggil sa talamak umanong pagbebenta ng droga ni Borlag­datan sa lugar.

Ibinasura ng korte ang depensa ng aku­sado na pinasok lang umano siya ng tatlong pulis sa kanilang bahay at biglang inaresto. Patunay pa umano ang kanyang anak na batang babae na ginamit pa nito bilang depensa, subalit hindi nagkatugma ang pahayag ng mag-ama. Ayon sa testi­monya ng anak nito ay kumakain umano ng lugaw sa labas ang kanyang tatay nang arestuhin ng mga pulis, kabaligtaran sa tes­timonya ng suspek na pinasok siya sa bahay ng mga pulis. (Edwin Balasa)

AYON

BORLAG

EDUARDO BORLAGDATAN

EDWIN BALASA

JUDGE LIBRADO CORREA

PASIG

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

VILLA SANCHEZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with